Thursday, October 13, 2005

Damdamin

Ewan ko,
Hindi ko maintindihan
Kung bakit ganito
Damdamin ko'y ang gulo,
Hindi ko alam kung ano.

Para bang mayroon akong hinahanap-hanap
Ngunit kung tutuusin ay wala.
Ako'y nalilito,kinakabhang parang halong may pangamba't tuwa,

Sa loob-loob ko
Pakiramdam ko'y tila may gustong sumabog.
Nais ko sanang ilabas anuman itong gumugulo;
Ngunit ewan ko kung ano ito.
Hindi ko man lang mailabas,
Kahit anong pilit ko.
Hindi ko maibulas
Para bang init sa loob
Mahirap mailabas,
Hindi ko maihayag

Damdamin ko sa'yo.
Pag-ibig ba ito?

-cfba

1 comment:

Anonymous said...

No idea what you what you said lol