Thursday, November 15, 2007

Meetings

Meeting dito, meeting doon! Katatapos lang ng isang meeting may kasunod na namang isa pang meeting at may klase pa ako pagkatapos o di kaya pagkatapos ng klase ko may meeting naman akong kasunod. Hindi na natapos ang mga meetings! Haay, naku daaaay!!!
Talaga these days, puno ng meetings. For two weeks may mga naka line up na meetings and the next week may mga meetings pa rin ako. Hectic ang schedule! This week lang nga ilang meetings na ang nakaligtaan ko dahil I have classes in between those meetings. I wasn't even able to attend the 1st meeting with the MV group and when I attended the 2nd MV group meeting last Friday, I have to leave in the middle of the discussion naman kasi may next class ako. Sabi nga ni Rochelle, " Aalis ka na? Ano masasabi mo or suggestion before you leave?" Say ko, " Yun na nga! Kung ano yung comment ko kanina!" "Yun lang!?" ang gulat na tila angal at tanong ni Rochelle. " Di lang yun, may sinabi pa ako kay Sir John" Siyang tingin sa akin ni Sir "Isa lang?!" "Spelling lang 'tong sinabi mo eh?" "Uy, di ahh! may sinabi pa akong comment ni reject naman!" "Okay sige labas na!" at tuluyan akong tumayo at niligpit yung mga papers na ginagawa ko at the same time of the discussion kasi for grading sheets yun at DUE lahat the same day!!!
Makakalusot na sana ako kasi di ko halos masyadong magets yung topic ng usapan nila dahil wala nga ako noong first group meeting nila. Kaso, bigla ako tinarayan ni Miguelin " Aalis ka na? Wala ka talagang silbi!" Batukan ko nga at sabihan ng " HOY! biik na baboy, sipaiin kita dyan! sinabi ko na comment ko at choice ko ha!" Alam na nila yun!" Tawanan.
So, nag class ako fron 2:30 to 5:30pm at di pa matapos tapos sa kakatanong ang ibang students halos 6:00pm na ng magsimula ako ng next class for Rizal. I notice may mga messages sa fone ko but minabuti kong mamaya na lang basahin. Usually wala naman masyadong importante who will be texting me at this time 'cuz I'm at work.... Pero ng tiningnan ko yung mga message after one hour and half of class discussion----EEEEKKK!!!!! May meeting pala kami with the DEAN!!!! Nagmamadali na naman ako at maaga ko dinismiss ang students ko, NAMAAAAN!!!
When I got to the meeting kanina pa nila ako hinihintay but okay naman they saw me pala na nagkaklase kanina after my English class. WOW! free dinner in this meeting hehehe! Pero dyahi ang daming meeting na halos nakaligtaan ko at muntik-muntikan di sinipot. Marami din sa kanila who were texting me during class pa lang informing or looking for me dahil may meeting kami. Haay! So the next week na may meeting I made it a point na huwag kalimutan but guess what happened?!??!!! Halos karamihan sa mga nakaset na meeting eh, na CANCEL!
shees! ang galing ano?! Kung kelan you make it a point or just when you are looking forward, ready and alert saka naman nagtampo at na-move to another date ang mga meetings, SUS!
Sabi nga ni Miguelin, "Ayan kasi! sige, mag-meeting ka mag-isa mo!"---Miguel, BADING! Grrrr!!!

No comments: